"Marami sa mga detractors ni Duterte laging sinasabi na siya ay isang babaero. Hayaan nyong sabihin ko ang isang lihim upang magbigay unawa sa enyo kung bakit kay Duterte ang aming suporta. Ang Mocha Girls ay kilala na isang sexy dance group sa buong Pilipinas .... Dahil sa imahe naming sexy madalas maraming mga tao na nami-misinterpret kami, " sabi ni Mocha.
Idinagdag pa ni Uson na ang maraming tao sa bansa iniisip kung ikaw ay isang miyembro ng isang sexy group, ikaw ay may sidelines. Sa bawat oras na pumunta sila sa mga events sa mga lalawigan, ibinahagi niya, ang mga lokal na lider ay nag-aalok na makakuha ang higit pa sa sexy dance mula sa kanila; hindi nila alam na ang kanilang sexy image ay para lamang sa entablado. Sa sampung taon, bihira lang may pormal na pang-anyaya mula sa mga pulitiko.
“Ngunit sa Davao, ilang beses na kaming nakapunta at nakapagperform doon, ni isang beses hindi nagpahiwatig ng kahit anong interest na makilala o mai-book ang isa sa aming Mocha Girls ni Mayor Duterte" sabi niya.
Si Duterte hindi kailanman nag-request ng "courtesy call." Ang "Courtesy Call" ay ang tawag ng isang politiko kapag may nais o gusto siya isang tao mula sa grupo.
“Ito ang pinakadahilan ng aming matinding pagsuporta at pagkampanya ng libre para kay Duterte. Siya ay totoong tao hindi tulad ng ibang politiko na may dalawang mukha. Sawang-sawa na kami sa mga pulitikong plastik! Kaya sa tuwing nakakabasa ako ng mga comment na sinasabing si Duterte ay ‘babaero’ natatawa na lang ako ,"sinabi niya.
[adinserter name="none youtube"]
KEEP READING: #Controversial #Duterte #Election 2016 #halalan 2016 #Mocha Girls #Mocha Uson #Politics #Rodrigo Duterte